^

Probinsiya

Kainan inararo ng van: 1 dedo, 2 kritikal  

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Kainan inararo ng van: 1 dedo, 2 kritikal   
Wasak na wasak ang puwesto ng isang paresan sa gilid ng highway matapos araruhin ng van na ikinasawi ng isang kustomer na kumakain dito at ikinasugat ng dalawa pa, sa may Arnaldo Hi-way, Brgy. San Francisco Gen. Trias City, Cavite.
Cristina Go Timbang

CAVITE, Philippines — Isa ang kumpirmadong patay habang dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang araruhin ng SUV ang isang kainan sa tabi ng kalsada kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng Arnaldo Hi-way Brgy. San Francisco Gen. Trias City.

Dead-on-the-spot ang isang biktima na nakilalang si Anthony Baculfo, 46, residente ng Barangay Santiago Gen.Trias City, Cavite habang inoobserba­han sa pagamutan ang dalawa pang biktima na sina Elmer Catalla, 44, ng Malagasang IIA, Imus City, at Christian Espenida, 19, residente ng Brgy. San Francisco Gen. Trias City, pawang kustomer sa nasabing paresan.

Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col. Christopher Olazo, alas-4:30 ng hapon nasa loob ng ka­rinderya o Paresan at kumakain ang mga biktima na nakapuwesto sa gilid ng kalsada nang bigla itong araruhin ng Isuzu Altera na may plakang ZFL 297 at minamaneho ni Jeremy Jub Sandoval, 20-anyos ng Brgy. Langkaan, Dasmariñas City.

Nabatid na may kabilisan ang takbo ng nasabing sasakyan kung saan nauna pa itong sumalpok sa isang konkretong poste saka bumangga sa katabing kainan.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury and damage to properties ang kakaharaping kaso ng nasabing driver.

CHRISTIAN ESPENIDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with