^

Probinsiya

Establisimyento nasunog, 5 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Establisimyento nasunog, 5 sugatan
Kinilala ang mga nasugatang biktima na sina Tamara Oliver Marcelo, Khate Marcelo Oliver, Justine  Marcelo Oliver, Hanna Rose Oliver at Rolando Oliver; pawang mga caretaker  ng commercial establishment na pag-aari ng negosyanteng si John Patrick Beato.
Philstar.com/File Photo

MANILA, Philippines — Lima katao ang suga­tan makaraang masunog ang isang establisimyentong pangkomersyo sa Brgy. Makiling, Calamba City, Laguna nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga nasugatang biktima na sina Tamara Oliver Marcelo, Khate Marcelo Oliver, Justine  Marcelo Oliver, Hanna Rose Oliver at Rolando Oliver; pawang mga caretaker  ng commercial establishment na pag-aari ng negosyanteng si John Patrick Beato.

Ang mga biktima ay unang isinugod sa JP Rizal Hospital pero ang mga pasyenteng sina Tamara at Khate ay inilipat sa CMC Hospital sa tinamong 1st degree burn habang sina Rolando, Justine at Hanna Rose ay inilipat naman sa CDH Hospital sanhi ng tinamong 2nd degree burn.

Sa ulat ng Laguna Police, dakong alas-6 ng gabi nang mangyari ang sunog sa isang commercial establishment sa lugar.

Bandang alas-6:21 ng gabi nang maitaas ang 1st alarm, dakong alas-7:31 ng gabi ang 2nd alarm at ganap na alas-7:35 ng gabi nang ideklara ng mga arson investigator na under control na ang sunog.

Ganap na naapula ng mga nagrespondeng bumbero ang sunog bandang alas-7:45 ng gabi.

Agad na isinugod sa pagamutan ang mga biktima lulan ng Barangay Quick Response Team (BQRT) ambulance para malapatan ng pangunahing lunas.

TAMARA OLIVER MARCELO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with