^

Probinsiya

Coast Guard na pinatay sa Cavite, binigyang pugay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Coast Guard na pinatay sa Cavite, binigyang pugay
“We would like to express our deepest condolences and sympathy tot he family of CG LTJG Rando Val Siega, a member of the Coast Guard Fleet family.  Your memories will never be forgotten,” ayon sa PCG.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nagbigay-pugay ang buong Philippine Coast Guard (PCG) sa isa nilang kasamahan makaraang mabaril at mapatay sa Indang, Cavite nitong Setyembre 26, may 9 na araw makaraang maikasal siya sa kapwa miyembro ng coast guard.

“We would like to express our deepest condolences and sympathy tot he family of CG LTJG Rando Val Siega, a member of the Coast Guard Fleet family.  Your memories will never be forgotten,” ayon sa PCG.

Nabatid na nasa bahay ng kanyang biyenan sa Brgy. Banaba Cerca sa Indang, Cavite si CG Lieutenant Junior Grade (LTJG) Siega nang barilin siya ng kanilang kapitbahay ng ilang beses hanggang tuluyan siyang masawi.

Nadakip naman ang suspek na si Jerry Creus, 55-taong gulang. Tumanggi siyang magbigay ng pahayag sa kaniyang motibo sa pamamaslang habang may teorya ang pulisya na inggit ang posibleng dahilan nito dahil sa pagkabigo umano ng isa niyang anak na makapasok sa Philippine Navy.

Nabatid na nakatalaga si LTJG Sigea sa BRP Melchora Aquino.  Nitong Setyembre 17, ikinasal siya sa kaniyang kasintahan na si CG LTJG Khristelle Joyce Panganiban-Siega makaraan ang kanilang pag-iibigan na nag-umpisa rin sa serbisyo.

Huling araw sana ng kanilang bakasyon at honeymoon bago bumalik sa kanilang duty sa PCG nang maganap ang krimen.

“We salute you, CG LTJG Siega! Thank you for your selfless service to the Filipino nation,” pahayag ng CG para kay LTJG Siega.

Nahaharap na ngayon sa kasong murder at illegal posession of firearms ang suspek na si Creus.

PCG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with