^

Probinsiya

Romualdez nagbigay ng tulong sa pamilya ng 5 nasawing rescuers

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Romualdez nagbigay ng tulong sa pamilya ng 5 nasawing rescuers
Newly-elected House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez took his oath of office before the House of Representatives on Monday (July 25, 2022).
STAR/KJ Rosales

MANILA, Philippines — Namahagi ng pinansyal na tulong si House Speaker Martin Romualdez para sa mga naulilang pamilya ng limang bayaning rescue workers na nagbuwis ng buhay sa rescue mission sa San Miguel, Bulacan sa kasagsagan ng paghagupit ni supertyphoon Karding.

Ang tulong ay ipina­abot ni Romualdez kay San Jose del Monte Rep. Florida Robes na siya namang naghatid ng donasyon sa pamilya ng mga nasawing rescuers na sina George Agustin, Troy Justin Agustin, Marby Bartolome, Narciso Calayag Jr at Jerson Resurreccion; pawang contractual rescuers ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Ang limang rescuers ay nagbuwis ng buhay habang nagsasagawa ng rescue mission sa mga residente ng San Miguel, Bulacan na nalubog sa tubig-baha sa kasagsagan ng hagupit ni Kar­ding noong Setyembre 25 matapos mabagsakan ng pader ang sinasakyan nilang bangka na tinangay ng malakas na agos.

Sinabi ni Robes, P100,000 ang donasyong tulong ni Romualdez na inihatid na niya sa tahanan ng mga naulilang pamilya ng mga rescuers.

Samantala, nagbigay rin ng pinansyal na tulong si Romualdez kina 1st District Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing, 3rd District Nueva Ecija Rep. Rosanna Vergara at 4th District Nueva Ecija Rep. Emerson Pascual para ipamahagi sa kanilang mga constituents na nasalanta ng kalamidad.

MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with