^

Probinsiya

Quezon umapela ng tulong sa national government

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

POLILLO, Quezon, Philippines — Nananawagan si Governor Helen Tan kasama ang mga mamamayan ng Polillo Group of Island (POGI) sa ilang ahensya ng nasyonal na pamahalaan para sa kanyang mamamayan na nasalanta ng bagyong “Karding”.

Umapela si Tan sa Department of Information and Communications Techno­logy (DICT) sa pagsasaayos ng signal ng komunikasyon sa Quezon; sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa karagdagang tulong pinansyal para sa pagsasaayos ng mga bahay; sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa programang TUPAD, Department of Agriculture - Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) tulong para sa mga mangingisda at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad.

Ayon sa gobernador, lubhang kailangan nga­yon ng mga residente sa nabanggit na lugar ang mga ahensya ng pamahalaan upang mabilis na makabangon ang kanyang mga kababayang sinalanta ng bagyong Karding.

Personal na hinatiran ng tulong sa pangalawang pagkakataon ni Governor Dra. Helen Tan kasama si Infanta Vice-Mayor L.A. Ruanto ang mga bayan sa POGI.

Sa kabila ng zero visi­bility sa himpapawid, malakas na ulan at masamang panahon ay hindi ito naging hadlang upang puntahan ng gobernador ang nasabing Isla.

Ayon Kay Vice-Mayor Ruanto, pwede naman silang hindi tumuloy at bumalik na lamang ng ibang araw dahil sa masamang panahon ngunit hindi nito napigil ang masidhing pagnanais ng ina ng Lalawigan na muling marating ang mga bayan sa POGI lalo’t higit ang mga barangay na lubhang sinalanta ng bagyo upang magparating ng pagkalinga at agarang tulong.

Nabatid mula kay Ruanto na mahigit 25,000 food packs ang naipamahagi sa mga lokal na pamahalaan at cash assistance mula sa pamahalaang panlalawigan upang makaalalay sa muling pagtatayo ng mga nasirang bahay.

DICT

DOLE

DPWH

DSWD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with