^

Probinsiya

Chinese POGO workers sa Cavite, nag-aplay ng police clearance

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Chinese POGO workers sa Cavite, nag-aplay ng police clearance
Inumpisahan ng POGO workers sa Cavite ang pagkuha ng police clearance bilang pagtalima sa kautusan ng PNP.
Ed Amoroso

MANILA, Philippines — Alinsunod sa kasunduan ng Philippine National Police (PNP) at direktiba ni PNP Chief Gen Rodolfo Azurin Jr., nagsimula nang kumuha ng police clearance ang mga Chinese na empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Carmona,Cavite.

Ang Sky Dragon Global Technologies Corp, isang Cavite-based business process outsourcing service provider at lisen­syado ng PAGCOR ay isa sa mga unang tumugon sa pa­nawagan ng PNP.

Ayon kay Ryan Sy, general manager ng Sky Dragon, nakipagka­sundo sila sa PNP na iproseso ang police clea­rance ng kanilang mga empleyado bilang isa sa mga requirements na makapagtrabaho sila sa bansa.

Halos dalawang buwan nang nag-o-operate ang Skydragon na may 400 empleyado kung saan 95 percent dito ay mga Filipino.

Ang police clea­rance ay isa sa mga napagkasunduang requirement para sa operasyon ng POGO dahil sa pagtaas ng krimen sa bansa partikular ang kidnapping kung saan sangkot ang ilang empleyado ng POGO.

Idinagdag ni Sy na nais din siguraduhin ng pulisya na walang mga kaso at hindi wanted sa batas ang mga empleyadong nagmula sa ibang bansa.

Base sa record ng pulisya, tumaas ang kaso ng kidnapping simula noong 2017 at karamihan sa nagiging suspek ay empleyado ng POGO.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with