^

Probinsiya

Estudyante na gustong kumalas, tinodas ng lover

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Estudyante na gustong kumalas, tinodas ng lover
Ang biktima na nasawi dahil sa tinamong tatlong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Rochelle Ann Flores, isang estudyante.
STAR/File

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang 18-anyos na babae matapos pagsasaksakin ng kanyang live-in partner sa Brgy. Langkiwa Biñan City, Laguna, ka­makalawa ng madaling araw.

Ang biktima na nasawi dahil sa tinamong tatlong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Rochelle Ann Flores, isang estudyante.

Nasugatan din sa insidente ang 14-an­yos na pinsan na ka­sama nitong nakatira sa bahay.

Batay sa report ng Biñan City police, alas-4:00 ng madaling araw ay pwersahang pinasok ng 21-anyos na suspek na si John Dave Bernabe ang bahay na tinutulugan ng mga biktima at unang sinaksak ang ka-live in at saka isinunod ang pinsan.

Mabilis itong tumakas matapos ang pananaksak, subalit agad din itong naaresto sa follow-up operation ng mga pulis sa Baclaran, Parañaque City.

Ayon kay PLTCOL Virgilio Jopia, hepe ng Biñan City police, nagkakalabuan na ang dalawa at gusto ng humiwalay ng biktima na siyang ikinagalit ng suspek.

Nakakulong na ang suspek sa Biñan City police station lock up cell at sinampahan na rin ng mga kasong murder at frustrated murder.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with