^

Probinsiya

Briton na ‘sex predator’, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Briton na âsex predatorâ, timbog
Kinilala ni BI Commissioner Norman G. Tansingco ang suspek na si John Crotty, isang Briton na nadakip sa inu­upahan niyang bahay sa Tangub City noong Setyembre 15 ng mga tauhan ng BI-Fugitive Search Unit.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sa kulungan bumagsak ang 64-taong gulang na Briton na tinaguriang isang ‘sex predator’ dahil sa operasyon ng isang ‘child sex website’ sa Pilipinas, makaraang maaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ta­ngub City. Misamis Occidental.

Kinilala ni BI Commissioner Norman G. Tansingco ang suspek na si John Crotty, isang Briton na nadakip sa inu­upahan niyang bahay sa Tangub City noong Setyembre 15 ng mga tauhan ng BI-Fugitive Search Unit.

Ayon sa opisyal, sangkot si Crotty sa paglikha ng sex videos ng mga batang Pilipino na kaniyang ina-upload sa website at mga social media accounts para pagkakitaan.

Nabatid din sa background ni Crotty na nakulong siya ng siyam na taon sa Uni­ted Kingdom at nang makalabas ay lumipat ng Pilipinas para dito naman magpatuloy sa kaniyang krimen.

Dumating siya sa bansa noong Pebrero 6 gamit ang isang tourist visa at nag-overstay na.

“The arrest followed after receiving official communication from British authorities informing us that Crotty became the subject of an Interpol green notice that was issued last Feb. 21,” ayon naman kay BI Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr.

Nangako si Tansingco na gagawin niyang prayoridad ang paghahanap, pag-aresto at pagpapa-deport sa mga dayuhang ‘sex offenders’ na nagkukuta sa bansa.

ARESTADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with