^

Probinsiya

Brgy. kagawad sa Batangas, itinumba

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay noon din ang 50-anyos na ba­rangay kagawad matapos pagbabarilin ng dalawang hindi nakila­lang salarin sa Rosario, Batangas, kamakalawa ng umaga.

Ang biktima na na­sawi dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakila­lang si Ismael Rosales, isang negosyante, tubong Brgy. Del Valle, San Antonio, Quezon at kagawad ng Brgy. Salao.

Batay sa report ng Rosario police, alas-7:00 ng umaga ay na­kikipag-usap ang biktima sa kanyang tiyo sa harap ng tindahan nang lapitan ng mga suspek at pagbabarilin.

Nang bumagsak ang biktima ay mabilis na tumakas sakay sa naghihintay na motorsiklo.

Subalit, nasira ang kadena ng motorsiklo kaya napilitan itong iwanan ng mga suspek.

Narekober sa crime scene ang 4 na basyo ng kalibre 45 baril.

Patuloy pa ang im­­­bestigasyon at ina­alam ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at kung sino ang mga sus­pek.

Tinutunton na rin ng mga otoridad kung sino ang may-ari sa naiwang motorsiklo.

KAGAWAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with