^

Probinsiya

P13 milyong shabu nasamsam, 5 ‘tulak’ timbog!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Drug ops sa Rizal at Cavite: Nasabat ng Philippine National Police (PNP) ang halos ?13 milyong halaga ng shabu sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa San Mateo, Rizal at Dasmariñas City, Cavite na ikinaaresto ng lima katao kabilang ang dalawang mag-ate, kamakalawa.

Sa report ni Rizal Police Provincial Office (RPPO) director PCol. Dominic Baccay, arestado sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng San Mateo Municipal Police Station at Rizal Provincial Intelligence Unit sa 31 Rozal St., Brgy. Gulod Malaya, San Mateo dakong alas-8 ng gabi sina Diadema Babasa alyas “Kikay”, 56-anyos, isang high value target; at nakababatang kapatid nitong si Betty Babasa, alyas “Bet”, 45-anyos; kapwa residente ng San Mateo. Nakuha sa kanila ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ?7 milyon at P3,000 buy-bust money.

Sa Cavite, nasa 850 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6 milyon ang nakumpiska rin ng mga tauhan ng Police Regional Office (PRO) 4A, Cavite Provincial Police Office (PPO), Dasmariñas City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa mga suspek na sina Dexter Santos, 25; at magkapatid na sina Arlene Navarro, 41 at Ruffa Maie Gervacio, 22, na isa umanong major drug player.

Sinabi ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr.,  ang pagkakasabat ng illegal drugs ay indikasyon na tuluy-tuloy ang operasyon ng pulisya laban sa mga sindikato at grupo na sangkot sa illegal drugs.

Panawagan ni Azurin sa publiko, huwag mag-atubiling isumbong sa PNP ang kanilang mga impormasyon sa mga sangkot sa illegal drugs upang masawata sa lalong madaling panahon. — Doris Franche at Cristina Timbang

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with