^

Probinsiya

Tricycle inararo ng pickup truck , 4 patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Tricycle inararo ng pickup truck , 4 patay
Sa report ng Iloilo Police, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Arlene Estorpe, 50, guro sa Igdulaca Elementary School sa bayan ng Miagao; mister nitong si Bien, driver ng tricycle, 10-anyos na anak na babae at kasamahang guro ng ginang na si Helen Olaguer, 45
File

MANILA, Philippines — Patay ang apat ka­tao kabilang ang tatlong miyembro ng isang pamilya matapos na aksidenteng araruhin ng isang pickup truck ang isang tricycle sa kahabaan ng highway ng bayan ng Mia­­g-ao, Iloilo, kamakalawa ng gabi.

Sa report ng Iloilo Police, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Arlene Estorpe, 50, guro sa Igdulaca Elementary School sa bayan ng Miagao; mister nitong si Bien, driver ng tricycle, 10-anyos na anak na babae at kasamahang guro ng ginang na si Helen Olaguer, 45

Base sa imbestigas­yon ng pulisya, nangyari ang trahedya sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Oyunga pasado alas-8:00 ng gabi.

Ayon sa pulisya, lulan ng tricycle ang mga biktima patungo sana sa kanugnog na bayan ng San Joaquin nang araruhin ng kulay puting pickup truck na minamaneho ni Noel Tactica , 25.

Nawalan umano ng preno ang pickup truck bunsod upang tuluy-tuloy na araruhin ng nasabing behikulo ang kasalubong nitong tricycle.

Sa lakas ng pagka­kabangga ay halos nayupi ang tricycle na malubhang ikinasugat ng mga biktima na pawang nasawi sa insidente.

Nahaharap sa kasong 4 counts of homi­cide at damage to pro­perty ang driver ng pick­up.

ACCIDENT

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with