^

Probinsiya

Tindera na utak sa pagdukot at pagpatay sa isang ginang, arestado

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Tindera na utak sa pagdukot at pagpatay sa isang ginang, arestado
Sa pahayag ni Col. Christopher Olazo, Cavite police director, na ang suspek na si  Joan Mendoza ay tinaguriang Most Wanted Person No. 1 sa Regional level ay hindi na nanlaban nang siya ay arestuhin ng mga otoridad sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi sa kanyang bahay sa  Barangay Alapan 1-C, Imus City, Cavite.
File

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Matapos ang tatlong taon na pagtatago sa batas sa ginawang krimen ay naaresto ng mga otoridad ang isang tindera na umano ay utak sa pagdukot at pagpatay sa isang 43-anyos na ginang sa Tanza, Cavite.

Sa pahayag ni Col. Christopher Olazo, Cavite police director, na ang suspek na si  Joan Mendoza ay tinaguriang Most Wanted Person No. 1 sa Regional level ay hindi na nanlaban nang siya ay arestuhin ng mga otoridad sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi sa kanyang bahay sa  Barangay Alapan 1-C, Imus City, Cavite.

Ayon kay P/Major Dennis Villanueva, Tanza police chief na si Mendoza ay suspek sa pagdukot at pagpatay sa biktimang si Maribel Hernandez, 43 ng Barangay Amaya II, Tanza, na bangkay ay natagpuan sa Sitio Corazon De Jesus Marilaque Road, Marcos Highway, Barangay Pinugay, Baras, Rizal noong Mayo 16, 2020.

Ayon sa mga resi­dente sa lugar na sila ay nakarinig ng putok ng baril kung kaya’t pinuntahan nila ang pinanggalingan at dito ay nakita ang bangkay ng isang babae na may balot ng berdeng panyo sa mukha habang nakahandusay sa kalsada.

Nabatid na ang motibo ng pagpatay ay hindi pag-remit ng biktima sa kinita umano sa illegal drugs at pina­dukot sa mga hindi pa kilalang kalalakihan bago ito pinatay sa nasabing lugar upang iligaw ang imbestigasyon. - Cristina Timbang

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with