^

Probinsiya

Vice Mayor nakabangga ng 75-anyos, inatake sa puso sa presinto

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Vice Mayor nakabangga ng 75-anyos, inatake sa puso sa presinto

MANILA, Philippines — Idineklarang dead- on-arrival sa ospital ang isang 75-anyos na babae matapos na masalpok ng motorsiklo ng isang Vice Mayor ng Narvacan, Ilocos Sur na namatay din matapos makaramdam ng hirap sa paghinga kamakalawa.

Ang mga nasawi ay sina Vice-Mayor Joseph Tejada, 32, residente ng Brgy. Quinarayan ng naturang bayan at Estelita Gacutan, walang asawa, residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat, ay bumibiyahe sa national highway papuntang timog na direksyon ha­bang nakasakay sa Kawasaki 900 CC motorcycle si Tejada nang mabangga nito ang matanda habang tumatawid sa Brgy. Langlangca 2nd, Candon City.

Agad na dinala sa Candon General Hospital ng mga rumes­pondeng miyembro ng BFP personnel ng Candon City ang matandang babae, subalit idineklarang dead-on-arrival.

Boluntaryo namang sumuko sa Candon City Police Station si Tejada at habang nasa police station ay bigla na lang itong nakaranas ng paninikip ng dibdib kaya’t isinugod sa ospital, subalit idineklarang dead-on-arrival na hinihinalang namatay sa cardiac arrest.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with