^

Probinsiya

NPA lider natagpuang patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang mataas na lider ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang natagpuang patay at may nakapatong pang bayawak sa bangkay, kahapon ng umaga sa bayan ng Jabonga, Agusan del Norte.

Kinilala ang nasawi na si Rolando Leyson Jr, alyas Ka Edroy, secretary ng Guerilla Front 16 NPA na siyang nagmamaniobra sa Agusan Del Norte at Surigao Del Norte.

Ayon kay General George Banzon, commander ng 901st brigade, Philippine Army, positibong kinilala si Leyson ng kanyang mga kaanak na natagpuan nilang patay sa bulubunduking bahagi ng Barangay Cuyago, Jabonga, Agusan Del Norte.

Sinabi ni Banzon, na noong Setyembre 14, nakaengkuwentro ng tropa ng pamahalaan ang grupo ni Leyson at 8 sa mga ito ang kumpirmadong nasugatan at mabilis na nagsitakas at narekober sa lugar ang improvised sniper rifle.

Sa isinagawang pursuit operation ng militar natagpuan ang bangkay ng biktima nasa state of decomposition at may nakapatong na bayawak.

Patuloy ang gina­wang pagtugis ng mi­litar laban sa mga rebeldeng grupo.

NPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with