^

Probinsiya

Magkakaibigan, may bitbit na P7.5 milyon niratrat: 3 utas!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Magkakaibigan, may bitbit na P7.5 milyon niratrat: 3 utas!
Kinilala ang mga nasawi na sina John Paul Mark Bosque, 28, ng Brgy. Devera, Sara; Mark Clarenz Libao, 24, ng Tacas, Jaro, at Chrysler Floyd Fernández, 27, ng Jereos, La Paz, Iloilo City habang nakaligtas naman ang isa nilang kaibigan na si Jebron Parojinog, 24, ng Brgy. Villa Pani-an, Estancia at business partner ng mga nasawi na ngayon ay itinuturing ngayong “person of interest” sa krimen.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tatlo sa apat na magkakaibigang negosyante na may dalang P7.5 milyong cash ang kumpirmadong patay nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek habang lulan ang mga biktima ng pickup truck nitong Miyerkules sa Estancia, Iloilo City.

Kinilala ang mga nasawi na sina John Paul Mark Bosque, 28, ng Brgy. Devera, Sara; Mark Clarenz Libao, 24, ng Tacas, Jaro, at Chrysler Floyd Fernández, 27, ng Jereos, La Paz, Iloilo City habang nakaligtas naman ang isa nilang kaibigan na si Jebron Parojinog, 24, ng Brgy. Villa Pani-an, Estancia at business partner ng mga nasawi na ngayon ay itinuturing ngayong “person of interest” sa krimen.

Sa ulat, dakong alas-12:00 ng tanghali habang ang mga biktima ay lulan ng Isuzu-Mux pick-up na minamaneho ni Parojinog at may dala silang P7.5 milyon na mula sa binentang fishing boat ni Bosque, kung saan P1.5 milyon dito ang ipambabayad sana sa pinagkakautangan nito sa online sabong, nang pagdating nila sa Villa Pani-an, Estancia ay bigla na lamang umano silang pinara ng mga armadong kalalakihan at tumayo pa sa passenger side.

Tumabi naman sa gilid ng kalsada si Parojinog pero ilang sandali ay pinagbabaril na ng mga suspek sina Bosque at Libao na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Nagawang makababa ng sasakyan at makatakbo sina Parojinog at Fernandez subalit minalas na nadapa umano si Fernandez kaya inabutan ng mga suspek at pinagbabaril. Nagawa naman umanong makatakas si Parojinog.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek at posibleng tinangay ang nasabing halaga ng pera.

Sa pagresponde ng mga awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ng krimen, nakapulot sila ng pitong basyo ng .45 at 9mm pistol, isang magazine, 14 na bala, cellphone ng mga biktima, at counting machine ng pera subalit wala na ang perang P7.5 milyon.

Ayon kay P/Lt. Joebert Amado, acting chief ng Estancia Municipal Police Station, isa si Parojinog sa kanilang person of interest at isinailalim ito sa paraffin test subalit negatibo ang resulta.

Samantala, naglaan na si Iloilo City Mayor Jerry Treñas ng P50,000 pabuya sa sinumang makapagtuturo o makahuhuli sa mga suspek.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with