^

Probinsiya

Nagpakalat ng fake news sa ‘puting van’ kinasuhan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Nagpakalat ng fake news sa âputing vanâ kinasuhan
Kasong paglabag ng Article 154 ng Revised Penal Code, o Consummated Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances, ang dalaga.
Freeman

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng Naval Municipal Police ang 19-anyos na dalaga na nagpakalat ng “fake news” hinggil sa umano’y pangingidnap gamit ang isang puting van sa Biliran.

Kasong paglabag ng Article 154 ng Revised Penal Code, o Consummated Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances, ang dalaga.

Ayon sa pulisya, peke ang impormasyong ipinakalat ng babae sa social media tungkol sa pagdukot umano sa kanya ng isang puting van noong Agosto 20 ng hapon sa Brgy. Santissimo Rosario Poblacion, bayan ng Naval.

Matapos ang imbestigasyon ng Naval Police, napag-alaman nilang gawa-gawa lamang ng dalaga na taga-Cabugcayan, Biliran ang pagkidnap sa kanya. Napansin din ng mga awtoridad na pabagu-bago ang mga pahayag nito.

Sa record ng CCTV, walang insidente ng pagdukot sa lugar at sa petsang sinasabi ng dalaga. Sinegundahan din ito ng mga saksi sa pagsasabing wala silang napansing komosyon o gulo sa petsa at lugar na sinasabi ng dalaga.

Nanawagan naman ang Biliran Police Provincial Office sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng hindi kumpirmadong balita o impormasyong maaaring magdulot ng takot at pagkabahala ng publiko.

VAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with