^

Probinsiya

Mag-asawa dedo sa karambola ng sasakyan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa dedo sa karambola ng sasakyan
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Ruel Cortez, 41-anyos, driver ng Yamaha Mio motorcycle at ang backrider na misis nito na si Glenda, 35-anyos,
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Kapwa patay ang mister at misis nito na magkaangkas sa motorsiklo makaraang matumbok nang nagbanggaang dalawang sasakyan na kanilang kasalubong sa kahabaan ng Aguinaldo Hi-way, Brgy. Lalaan 1, bayan ng Silang, dito sa lalawigan kahapon

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Ruel Cortez, 41-anyos, driver ng Yamaha Mio motorcycle at ang backrider na misis nito na si Glenda, 35-anyos,

Iniimbestigahan naman ng pulisya ang dalawang driver na sumuyod sa mga biktima kabilang ang isang dayuhan na nakilalang sina Lee Seungjae, 43-anyos Korean national, driver ng Geely Coolray na may conduction sticker na T0P 717 at ang nakasalpukan nitong si Rolly Pardiñas, 45, driver ng Toyota Hi-lux (DBE 1675).

Sa imbestigasyon ni Police Sergeant Rogelio Dalipog, may hawak ng kaso. alas-6 ng umaga, magkasunod umanong bumabagtas ang sasakyan nina Seungjae at Pardiñas patungo ng katimugang direksyon.

Nabatid na nag-full stop umano ang sasak­yan ni Pardiñas upang pagbigyan ang sasakyan sa kabilang kalsada. At dahil nakatutok ang kasunod na sasakyan ng Koreano, kumabig ito pakaliwa upang hindi sumalpok sa nasabing sasakyan subalit nasa­bitan pa rin nito ang Hi-lux ni Pardiñas kung kaya umarangkada ito at sa kasamaang palad ay tuluyang nasuyod ang kasalubong na motorsiklo ng mag-asawa.

Sa lakas ng impact, sumemplang ang motorsiklo at tumilapon ang mga biktima. Kapwa tumama ang ulo ng mag-asawa sa sementadong daan sanhi upang magtamo ng matinding pinsala. Agad silang naitakbo sa pagamutan subalit kapwa hindi na naisalba ng mga doktor.

Kapwa hawak na ng pulisya ang dalawang driver at nahaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting in double homicide and damage to property.

vuukle comment

RUEL CORTEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with