^

Probinsiya

Motor pumailalim sa truck: Magkaibigan dedo

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Motor pumailalim sa truck: Magkaibigan dedo
Dead-on-the-spot ang mga biktima na nakilalang sina Paolo Miguel Aquino Serapin, 20, driver ng motorsiklo, at angkas na si John Paul Noche, 27.
Graphic by Philstar/John Villamayor

MANILA, Philippines — Kapwa patay ang magkaibigang rider nang bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo at pumailalim sa kasalubong na truck sa Batangas City, Linggo ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang mga biktima na nakilalang sina Paolo Miguel Aquino Serapin, 20, driver ng motorsiklo, at angkas na si John Paul Noche, 27.

Nakatakda sanang magdiwang ng kaarawan si Serapin ngayong araw subalit naging masaklap ang pangyayari nang mapaaga ang kanyang kamatayan.

Lumilitaw sa imbestigasyon na naganap ang aksidente dakong alas-4:30 ng madaling araw sa Brgy. San Isidro, kung saan paliko ang mga biktima.

Ayon sa pulisya, napunta ang motorsiklo sa linya ng kasalubong na truck na minamaneho ni Bon Jovi Ocay kaya nangyari ang salpukan.

MOTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with