^

Probinsiya

105 barangay lubog sa Maguindanao, lubog sa baha

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa naranasang­ baha na nagpalubog sa 105 na mga barangay sa hindi bababa sa 13 munisipalidad kung kaya’t isinailalim ng provincial board ng Maguindanao ang buong lalawigan sa state of calamity.

Sinabi ni Maguin­danao Vice Governor Bai Ainee Sinsuat na ang deklarasyon ay inire­ko­menda ng Provincial Disaster Risk Reduction­ and Management Office (PDRRMO).

Sinabi ni Sinsuat na naapektuhan ng baha ang 105 barangay mula sa 508 barangay ng Ma­­guindanao at 46,922 na pamilya o 234,610 na indibidwal sa 36 na bayan ang nawalan ng tirahan.

Anim na bayan ang una nang isinailalim ng kanilang mga opisyal sa state of calamity dahil sa paulit-ulit na pagbaha na dala ng malakas na pag-ulan mula noong huling linggo ng Hulyo at unang bahagi ng buwan ng Agosto.

Kabilang sa mga na­lubog sa baha ang mga mababang lugar na Northern Kabuntalan, Upper Kabuntalan, Sultan sa Barongis, Datu Piang, Mamasapano, Rajah Bua­yan, Datu Salibo, Pagalungan, Datu Montawal, Guindulungan, Talayan, Talitay, and Datu Odin Sinsuat.

Binaha rin ang mga komunidad sa tabi ng Allah River sa Isulan, Bagumbayan, at Esperanza sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Sinabi ni PDRRMO chief Nasrullah Imam na nasa iba’t ibang evacuation sites ang mga apektadong pamilya habang ang ilan ay nasa bahay ng ka­nilang mga kamag-anak sa matataas na lugar.

Umabot naman sa P130 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa lalawigan.

BAHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with