^

Probinsiya

Negosyante tepok sa kidlat, kapitbahay sugatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Negosyante tepok sa kidlat, kapitbahay sugatan
Hindi na naisalba pa sa pagamutan ang biktimang si Edrin Musa, nasa hustong gulang, store owner at residente sa naturang lugar habang bahagyang nasugatan matapos madaplisan ng kidlat ang kapitbahay nito na si Mark Arjay Layno, 26 anyos.
Pixabay

CAVITE, Philippines — Patay matapos matusta sa tama ng kidlat ang isang negosyante, habang sugatan ang kakuwentuhan nitong kapitbahay makaraan silang masapol ng kidlat habang nagkukuwentuhan sa harap ng tindahan ng una, kamakalawa ng hapon sa Brgy. San Agustin, Trece Martirez City.

Hindi na naisalba pa sa pagamutan ang biktimang si Edrin Musa, nasa hustong gulang, store owner at residente sa naturang lugar habang bahagyang nasugatan matapos madaplisan ng kidlat ang kapitbahay nito na si Mark Arjay Layno, 26 anyos.

Sa nakalap na ulat, alas-4 ng hapon nang maganap ang insidente habang kasagsagan ng malakas na ulan na sinasabayan ng mga kulog at kidlat.

Habang nagkukuwentuhan ang mga biktima sa harap ng tindahan kasama ang iba pang mga kapitbahay nang biglang kumidlat ng malakas at tuluy-tuloy na nasapol sa likod si Musa.

Sa tindi ng tumamang kidlat, tumagos ito hanggang sa dibdib ng biktima at dumiretso pa sa katabi nito na si Layno.

Agad namang nai­takbo ang dalawa sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival si Musa.

vuukle comment

KIDLAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with