^

Probinsiya

Suspek sa rape-slay ng biker sa Bulacan, arestado!

Doris Franche, Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines — Naaresto na nitong Huwebes ng umaga ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Police Regional Office 5(PRO5) at Bulacan Police ang pangunahing suspek sa pagpaslang at panggagahasa sa dalagitang biker na natagpuan ang katawan sa isang madamong lugar sa Bustos, Bulacan malapit sa Plaridel Bypass Road noong Agosto 12.

Kinilala ni P/Lt Col Jacquiline Puapo, OIC provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) ang suspek na si Gaspar Maneja Jr. y Madredano alias “Jose Francisco Santos” na sinampahan ng kasong rape with homicide.

Ayon kay CIDG director Brigadier General Ronald Lee, si  Maneja Jr., alyas Jose Francisco Santos ay nadakip kamakalawa ng umaga sa  Brgy. Veneracion, Pamplona, Camarines Sur sa bisa ng arrest warrant sa kasong rape at paglabag sa Republic Act 7610 o anti-child abuse law.

Sinabi naman ni PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo na hindi nanlaban ang suspek nang palibutan ng mga awtoridad.

Magugunita na matapos ang ilang araw na pagkawala, natagpuan ang bangkay ng 15-an­yos na si Princess Marie Dumantay, isang Grade 9 student at residente ng Grace Ville, Tower Ville, San Jose Del Monte (SJDM) sa madamong lugar sa Brgy. Bonga Menor, Bustos, Bulacan noong Agosto 12. Puno ng sugat, paso ng sigarilyo sa katawan at may palatandaan na sinakal o binigti ang dalagita.

“Ang cause of death po ng biktima ay hemor­rhage po as a result po of multiple injuries in the head, at meron din pong nakita na mga fresh laceration sa ari po ng biktima na lumalabas po na minolestya muna po ... bago pinatay,” ani Fajardo.

Nabatid na hu­ling nagpaalam ang bik­tima sa kapatid nitong si Paulo Dumantay noong Agosto 10 bandang alas-8:00 ng umaga na makikipagkita sa isang lalaki na nagngangalang Jose Francisco Santos na aniya’y bibigyan siya ng bisikleta.

Base sa mga witness, bandang alas-5:00 ng hapon ay sinundo ang biktima ng kaibigan nito at nagpahatid sa Commonwealth Hospital kung saan nakokontak pa siya ng alas-8:00 ng gabi hanggang alas-10:00 ng gabi subalit bandang alas-10:54 ng gabi ay hindi na nagre-reply.

Marami rin ang nagtestimonya na si Maneja Jr. alias Jose Francisco Santos ang huling nakasama ni Princess sakay ng itim na Toyota Wigo na may plakang EAE 2913.

Bukod sa pagpatay at panggagahasa kay Dumantay, lumalabas sa rekord ng PNP na ang suspek ay mayroon pang tatlong arrest warrants sa mga kasong R.A. 7610 o child abuse at rape na walang kaukulang piyansa mula sa dati nitong mga biktima.

Nahaharap din ang suspek sa kaso dahil sa paglabag sa Article 178 ng RPC o paggamit ng ibang pangalan sa Office of the Provincial Prosecutor sa Malolos City, Bulacan.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with