^

Probinsiya

Tinyente, 1 pang sundalo dedo sa engkuwentro

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

CAMP UPI, GAMU, Isabela, Philippines — Patay ang dalawang sundalo na kinabibilangan ng isang opisyal matapos ang nangya­ring sagupaan sa pagitan ng mga tero­ristang New People’s Army at tropa ng 98th Infantry Battalion (98IB) sa liblib na bahagi ng Barangay Lenneng, Kabugao, Apayao kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Army Captain Rigor Pamittan, hepe ng Public Affairs Office ng 5th Infantry Division (5ID) ang mga nasawi na sina Army 2nd Lt. Nesser Dimalanes, 28, tubong Datu Odin Sinsuat, Maguindanao at Private First Class (Pfc) Jaime Fontanilla Jr., 29, ng Luna, La Union at kapwa nakatalaga sa 98IB ng Philippine Army.

Ayon kay Pamittan, si Dimalanes ay produkto ng ROTC na pumasok sa militar sa pamamagitan ng Officer Preparatory Course at na-commissioned noong Nobyembre 16, 2017 hanggang sa itala bilang platoon leader ng Bravo Company nang madestino sa 98IB.

Batay sa ulat ng militar, habang nagpapatrolya ang tropa ng 98IB nang tambangan sila ng mga rebeldeng grupo bunsod ng sagupaan ng tumagal ng 20 minuto bago tumakas ang mga rebeldeng grupo.

Nagtamo umano ng matinding tama ng bala ang dalawang sundalo na pinilit pang isugod sa pinakamalapit na pagamutan subalit kapwa idineklarang dead-on-arrival.

“We will not put into waste the sacrifice rendered by our comrades. We will pursue those members of the Communist Terrorist group to let them pay the consequences of their inhumane actions,” pahayag ni Lt. Col. Abraham Gallangi Jr., Commander ng 98IB.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with