^

Probinsiya

2 rider tepok nang sumalpok sa SUV

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 rider tepok nang sumalpok sa SUV
Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Faulo E. Wales, 28, factory worker; at Troy Jamil T. Moreno, binata, garbage collector.
Graphic by Philstar/John Villamayor

SILANG, Cavite, Philippines — Kap­wa patay ang dalawang rider habang kritikal ang kanilang mga ­angkas nang makabanggaan nila ang isang Ford Explorer sa kahabaan ng kalsada na sakop ng Brgy. Poblacion 2, ka­makalawa ng gabi.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Faulo E. Wales, 28, factory worker; at Troy Jamil T. Moreno, binata, garbage collector.

Kritikal sa pagamutan ang mga backrider nilang sina Ramoniel B. Wales, asawa ni Faulo; at John Mico T. Moreno, 22, backrider ni Moreno, pawang mga residente ng Silang,Cavite.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng Ford Explorer na nakilalang si Jaime H. Aldaba, 60, may-asawa.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang insidente, alas-7:30 ng gabi ay kapwa binabagtas ng 2 motorsiklo ang nasabing kalsada nang makasalubong ang SUV na minamaneho ni Aldaba dahilan upang magsalpukan.

Tumilapon ang mga sakay ng dalawang motorsiklo at bago pa sila madala sa pagamutan ay binawian na ng buhay si Wales, namatay din habang ginagamot si Moreno.

vuukle comment

PATAY

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with