^

Probinsiya

Dog meat trader, inaresto

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

BULAKAN,Bulacan, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang lalaking sangkot sa illegal dog meat trade sa Brgy. San Nicolas ng nasabing bayan kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Hernando Polintan alyas Bitoy, 54, isang barangay utility worker at residente ng Nia Road, Libo St., Brgy. San Nicolas, sa nasabing bayan.

Naaresto si Polintan sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group Provincial Field Unit (CIDG PFU) matapos maaktuhang nagkakatay ng mga aso para ibenta.

Inamin ng suspek na siya ay nagkakatay at nagbebenta ng karne ng aso sa halagang P300 hanggang P350 bawat kilo.

Nakuha mula sa kanyang bakuran ang 12 pang mga asong nakalagay sa sako at handa na sanang patayin at katayin para ibenta.

Nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Bulacan si Polintan na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No.8485 o Animal Welfare Act of 2017.

Samantala, ililipat ang 12 nasagip na aso sa pangangalaga ng Animal Kingdom Foundation Rescue Center sa Capas, Tarlac kung saan sila ay isasailalim sa treatment at rehabilitation.

vuukle comment

DOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with