^

Probinsiya

Retired dean, kinatay ng 16-anyos na apo

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Retired dean, kinatay ng 16-anyos na apo
Ang kalunus-lunos na hitsura ng retried dean na si Virginia “Vodel” Del Rosario matapos patayin sa saksak ng 16-anyos na sariling apo at itinago ang bangkay nito sa compartment ng kanyang sasakyan sa San Leonardo, Nueva Ecija.
Christian Ryan Sta. Ana

Bangkay itinago sa compartment ng sasakyan

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Dahil sa hinihinalang matinding depresyon matapos na hindi payagang mabisita ang kasintahan nito sa Cebu City, kinatay ng isang 16-anyos na bina­tilyo ang kanyang sariling lola na retiradong dean sa isang kilalang unibersidad at inilagay ang bangkay nito sa compartment ng sasakyan, na naganap sa lungsod na ito, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon sa San Leo­nardo Police, nakonsensya kaya sumuko sa kanilang himpilan nitong Lunes ang 16-anyos na binatilyo na kaka-gra­duate lang ng high school, makaraang mapatay niya ang kanyang 68-anyos na lola na kinilalang si Virginia Del Rosario, nagretirong dean ng Wesleyan University Philippines-College of Arts and Sciences at nakatira sa Barangay Castellano, San Leonardo, Nueva Ecija.

Ang suspek na itinago sa pangalang “Hero” ang nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa munisipyo ng San Leonardo dahil sa pagiging menor-de-edad.

Ang binatilyong suspek ay sinamahan ng kanyang tiyuhin na si Rommel Puno sa istas­yon ng pulisya at dito umamin na napatay niya sa saksak noong hapon ng Hulyo 20 ang kanyang lola at itinago ang bangkay sa compartment ng Nissan XTrail (RDV-596) na sasakyan ng biktima na nakaparada sa loob ng compound ng bahay nito.

Agad naman pinuntahan ng mga pulis ang naturang lugar at dito tumambad sa kanila ang nangangamoy at naa­agnas nang katawan ng retiradong dean.

Sinisilip ngayon ng pulisya ang anggulong dumaranas ng matinding depresyon ang suspek nang gawin ang pagpas- lang sa lola matapos na hindi payagan ng matanda ang apo na puntahan nito ang kanyang kasintahan sa Cebu City, ilang araw bago nangyari ang krimen.

VIRGINIA DEL ROSARIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with