^

Probinsiya

AUV salpok sa 6-wheeler: 4 estudyante patay     

Doris Franche, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
AUV salpok sa 6-wheeler: 4 estudyante patay      
Kinilala ang mga nasawi na sina Juan Carlos Alvarez, 22; Enrique Garcia, 20, driver; Marga Elaine Ramirez, 18; at Mikaela Jeuel Solomon, 23; na pawang college student. Sila ay nagtamo ng matitinding pinsala sa katawan at ulo sanhi ng kanilang agarang kamatayan.
STAR/ File

TAYABAS CITY , Philippines — Patay ang apat na estudyante matapos sumalpok sa isang 6-wheeler truck ang sinasakyan nilang AUV sa lalawigan ng Quezon kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Juan Carlos Alvarez, 22; Enrique Garcia, 20, driver; Marga Elaine Ramirez, 18; at Mikaela Jeuel Solomon, 23; na pawang college student. Sila ay nagtamo ng matitinding pinsala sa katawan at ulo sanhi ng kanilang agarang kamatayan.

Batay sa imbestigasyon ng Tayabas City Police, nangyari ang aksidente sa Maharlika Highway sa Barangay Calumpang pasado alas-3:00 ng mada­ling araw.

Lumilitaw na galing sa Lucena ang mga biktima at mabilis ang takbo ng kanilang sinasakyang AUV patungo sa direksyon ng Sariaya, Quezon nang sumalpok ito sa likod ng sinusundang truck.

Sa tindi ng banggaan, nawasak ang AUV at pahirapan ang pag-rescue sa mga biktima.

Sa pahayag ng driver na si Cipriano Hernandez, dahil sa sobrang bigat ng kanyang kargang produkto ay hindi niya namalayan na may sumalpok na palang sasakyan sa likod ng minamaneho nitong truck.

Nakarinig umano si Hernandez ng malakas na kalabog kaya dahan-dahan nitong itinabi ang kanyang trak upang suriin kung sumabog ang gulong. Gayunman,  nang mapatingin siya sa side mirror ay dito na niya nalaman na may nakaladkad na siyang kotse.

Lumalabas na nakaladkad ng truck ang AUV ng 20 metro dahilan upang maipit ang mga biktima.

Mabilis na rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction Ma­nagement Office (MDRRMO) Sariaya, CDRRMO Tayabas, Bureau of Fire Protection (BFP) at Tayabas Police pero inabot ng kalahating oras bago nila natanggal mula sa pagkakaipit sa na­yuping kotse ang mga biktima.

vuukle comment

AUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with