^

Probinsiya

Misis may textmate, inutas ni mister sa selos

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Misis may textmate, inutas ni mister sa selos
Tinukoy lang ng pulisya ang nasawi na si “Ginang Pagarigan”, 50, habang ang suspek ay ang kanyang asawa na si Mr. Pagarigan, 49, kapwa residente sa nasabing lugar.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Pinag­hahanap ngayon ang isang mister nang mapatay ang kanyang misis dahil sa selos matapos mahuli nitong may textmate sa Purok 6, Barangay Gattu, Pamplona ng lalawigang ito, ayon sa ulat ng pulisya kamakalawa.

Tinukoy lang ng pulisya ang nasawi na si “Ginang Pagarigan”, 50, habang ang suspek ay ang kanyang asawa na si Mr. Pagarigan, 49, kapwa residente sa nasabing lugar.

Matapos mapatay ng suspek ang kanyang misis, nag-text ang una sa kanilang anak at sinabihan na tingnan ang kanyang ina at nagsisisi siya sa kanyang ginawa.

Sinabi pa ng suspek sa text na kaya niya nagawa ang krimen ay dahil sa hindi na niya napigilan ang sakit na nararamdaman dahil umano sa mga text at tawag ng textmate ng misis.

Naisugod pa sa Pamplona Rural Health Unit ang biktima subalit idineklara itong dead-on-arrival dahil sa suffocation.

GINANG PAGARIGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with