^

Probinsiya

Principal pinagsasaksak ng gunting ng 17-anyos

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Principal pinagsasaksak ng gunting ng 17-anyos
Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Jun Mencedez, principal ng Minoro Elementary School habang ginagamot sa ospital ang anak nito; kapwa ng Green Earth Subdivision, Brgy. Mongpong, Roxas City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Anak na paslit, sugatan Gamit ang isang gun­ting, pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang 17-anyos ang kainuman nitong school principal habang nadamay na nasugatan ang 9-anyos na anak ng huli sa Roxas City, ka­makalawa.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Jun Mencedez, principal ng Minoro Elementary School habang ginagamot sa ospital ang anak nito; kapwa ng Green Earth Subdivision, Brgy. Mongpong, Roxas City.

Arestado naman ang binatilyong suspek na iti­nago sa pangalang John ng Barangay Balat-an Mambusao, Capiz.

Batay sa report ng Roxas City Police, dakong ala-1:55 ng madaling araw  ng  Martes  nang maganap ang krimen habang nag-iinuman ang principal at suspek kasama ang isang Alvin Aniero sa loob ng apartment ng naturang school principal. Pero makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na si Aniero at naiwan na lamang sina Mencedez at John sa laklakan.

Bigla na lamang nagkaroon ng komosyon sa loob ng apartment hanggang sa pinagsasaksak ng suspek ang biktima gamit ang gunting.

Nagising naman ang anak ng biktima at nakitang duguan ang ama kaya niyakap niya ito hanggang sa siya ang nasaksak sa braso ng suspek saka tumakas ang huli.

Nadakip naman ang suspek sa isinagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad.

Lumabas sa pagsisiyasat na “pagnanakaw” ang motibo sa krimen dahil nawawala ang pitaka ni Mencedez.

Gayunman, iginiit ng suspek na “self defense” lamang ang kanyang ginawa dahil pinipilit umano siya ng biktima na “gamitin” na hindi ipinaliwanag. Nagsisisi na rin umano siya sa kanyang nagawang krimen.

MENCEDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with