^

Probinsiya

3 NPA todas, 2 sugatan sa bakbakan sa Sorsogon

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

SORSOGON CITY, Philippines — Patay ang tatlong kasapi ng New People’s Army habang sugatan ang da­lawa pang kasamahan matapos na makasagupa ang mga pulis at sundalo sa Sitio Pinaglabanan, Brgy. Gatbo ng lungsod na ito kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jaime “Ka Moy” Fortadez, vice-commanding officer, ng Larangan 1, Kilusang Probinsya 3 ng NPA Bicol Regional Party Committee; Rene Ezperanzate Espano alyas “Ka Anjo”, team leader ng “Rebolusyonaryong Buwis sa Kaaway”, at isang Tony alyas “Ka Amon”.

Sugatan naman at arestado sina Janine Chavez at Leopordo La­ririt alyas “Ka Ani.”

Sa ulat ni regional director Brig. Gen. Rodulph Dimas, Police Regional Office (PRO)-5, dakong alas-6:25 ng umaga ay magkatuwang na nagsagawa ng intel-driven operation ang mga kasapi ng 1st Police Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit, Prieto Diaz Municipal Police, Sorsogon City Police, Military Intelligence Company, 31st Infantry Battalion at 903rd Infantry Brigade sa liblib na lugar ng Sitio Pinaglabanan ng naturang barangay.

Pagpasok ng mga pulis at sundalo sa lugar, agad silang nakakuha ng impormasyon mula sa mga nagrereklamong mga residente sa kinaroroonan ng mga komunista kaya  nang magpang-abot ay agad nagkaroon ng sagupaan na umabot ng hanggang 20 minuto na ikinasawi ng tatlo at nadakip ang sugatang dalawang kasamahan.

Nakuha mula sa lugar ng engkuwentro ang mga baril ng mga komunista na dalawang Baby armalite, isang caliber 9mm pistol, mga magazines at bala, handheld radio, mga gamot, personal na kagamitan at subersibong dokumento.

GATBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with