^

Probinsiya

Misis na mapustura, binaril sa selos ng kinakasama

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Misis na mapustura, binaril sa selos ng kinakasama
Kinilala ang nasa­wing biktima na si Rona May Corañez, na idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan dahil sa tama ng punglo sa ulo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dahil sa matinding selos, patay ang isang 33-anyos na ginang matapos barilin sa ulo ng kaniyang live-in partner kasunod ng kanilang mainitang pagtatalo sa bayan ng San Jose, Batangas kamakalawa.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Rona May Corañez, na idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan dahil sa tama ng punglo sa ulo.

Nahaharap naman sa kasong kriminal ang live-in partner nito na nakilalang si Bin Nazzer Aguila.

Sa report ng Batangas Police, nangyari ang insidente sa loob ng ta­hanan ng mag-live-in partner sa Brgy. Lalayat ng ba­yang ito dakong alas-4:20 ng madaling araw. Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa matapos naman ang ma­tinding selos ng nasabing mister sa ginang na nauwi sa pamamaril.

Nagagalit umano ang suspek dahil sa laging nakapustura ang ginang kaya pinagdudahan na may pinagpapagandahang ibang lalaki.

KRIMEN

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with