^

Probinsiya

Bus hulog sa bangin: 30 pasahero sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bus hulog sa bangin: 30 pasahero sugatan
Sa report na tinanggap ni P/Brig. Gen. Lawrence Coop, regional director ng Police Regional Office (PRO) 10, dakong alas-7 ng gabi habang bumabagtas sa nasabing lugar ang Zongtong RTMI bus na may body number 2821 na narehistro sa Rural Transit Mindanao Inc. sa Corrales Extension, Cagayan de Oro City (CDO) na minamaneho ni Tommy Magno kasama ang konduktor na si Felimeno Languido Jr. nang mangyari ang insidente.
Graphic by Philstar/John Villamayor

MANILA, Philippines — Tatlumpong katao ang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus habang bumabagtas sa Sayre Highway, Sitio Mangina, Brgy. Tankulan, Manolo Fortich, Bukidnon kamakalawa ng gabi.

Sa report na tinanggap ni P/Brig. Gen. Lawrence Coop, regional director ng Police Regional Office (PRO) 10, dakong alas-7 ng gabi habang bumabagtas sa nasabing lugar ang Zongtong RTMI bus na may body number 2821 na narehistro sa Rural Transit Mindanao Inc. sa Corrales Extension, Cagayan de Oro City (CDO) na minamaneho ni Tommy Magno kasama ang konduktor na si Felimeno Languido Jr. nang mangyari ang insidente.

Ang bus ay may lulang 30 pasahero galing CDO at patungong Davao City nang mangyari ang trahedya matapos na magloko ang makina ng behikulo.

Dahil dito, tuluy–tuloy na nahulog sa bangin ang bus. Nagresponde ang rescue team at mabilis na isinugod sa pagamutan ang 30 sugatang sakay ng bus.

ACCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with