^

Probinsiya

Sunog sumiklab sa Quezon, 10 bahay natupok

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Sunog sumiklab sa Quezon, 10 bahay natupok
Walang iniulat ang pulisya na nasaktan o nasawi sa sunog na nag-umpisa ng alas-4:00 ng madaling araw at naapula bago mag-alas-7:00 ng umaga kahapon.
File

BUENAVISTA, Quezon, Philippines — Sinalubong ng hindi magandang almusal ang mga residente sa bayang ito makaraang masunog ang central business area at 10 kabahayan ang nadamay sa Purok Sampaguita, Barangay Poblacion kahapon ng madaling araw.

Walang iniulat ang pulisya na nasaktan o nasawi sa sunog na nag-umpisa ng alas-4:00 ng madaling araw at naapula bago mag-alas-7:00 ng umaga kahapon.

Sa inisyal na pagsisiyasat, aabot sa 25 pamilya ang naapektuhan matapos masunog ang kanilang mga bahay na gawa sa light materials.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog at ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

Kaagad namang nagpadala ng tulong si Governor Dra. Helen Tan sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog.

SUNOG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with