^

Probinsiya

Pulis itinumba sa Nueva Vizcaya

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Pulis itinumba sa Nueva Vizcaya
Kinilala ni P/Major Frederick Ferrer, hepe ng Bambang Police, ang nasawing biktima na si PSenior Master Sgt. Aldwin Aspacio James, 43, ng Govt. Center Subdivision, Baguio City at mag-iisang linggo pa lamang na itinalaga bilang field training officer sa nasabing himpilan.
STAR/File

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Isang aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Barangay Homested, Bambang ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Major Frederick Ferrer, hepe ng Bambang Police, ang nasawing biktima na si PSenior Master Sgt. Aldwin Aspacio James, 43, ng Govt. Center Subdivision, Baguio City at mag-iisang linggo pa lamang na itinalaga bilang field training officer sa nasabing himpilan.

Batay sa report ng pulisya, matapos bumama sa kanyang minamanehong BMW3181 (YEY353) ang biktima nang lapitan siya ng dalawang kalalakihan at agad na pinagbabaril sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan dakong alas- 7:59 ng umaga.

Agad naman na sumaklolo ang mga bagitong pulis na nasa Field Training Program (FTP) at isinugod si James sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital na nakabase sa nasabing bayan suba­lit idineklara itong dead- on-arrival sa nasabing pagamutan.

Nakatakda sanang makibahagi sa Brigada Eskwela sina James kasama ang 9 na FTP pulis nang itumba siya ng mga suspek pagdating sa kanyang tinutuluyang boarding house sa Ma­nansalan Street, Purok 3 sa nasabing barangay.

Ayon kay Ferrer, apat na bala ng cal. 45 ang tumama sa katawan ng biktima mula sa anim na ipinutok ng mga suspek batay na rin sa nakuhang mga basyo sa pinangyarihan ng krimen.

Napag-alaman na bago nadestino si James sa Bambang ay nagsilbi ito bilang PNP intelligence officer sa Davao.

Ayon sa ilang saksi, ang dalawang suspek na naglakad papalayo matapos ang pamamaril ay nakasuot ng mga sumbrero at jacket.

PULIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with