^

Probinsiya

Batang magkapatid nilamon ng dagat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Batang magkapatid nilamon ng dagat
Kinilala ang mga biktima na sina Sidney Mae, 14-anyos at Steven Catubig, 10-anyos.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang dala­wang bata na magkapatid matapos tangayin ng ma­lakas na alon at lamunin ng tubig sa karagatan ng Donsol, Sorsogon nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Sidney Mae, 14-anyos at Steven Catubig, 10-anyos.

Sa report ng Sorsogon Police, nangyari ang insidente sa karagatang sakop ng Brgy. PWWD, Donsol dakong ala-1 ng hapon kamakalawa.

Ayon sa imbestigas­yon, ang dalawang me­nor-de-edad ay hu­ling nakitang buhay ha­bang naglalaro sa dalampasigan ng isang beach kasama ang ka­nilang mga pinsan.

Ilang saglit pa ay nag­katuwaan ang magkapatid na maglangoy sa dagat pero napagawi sa malalim na parte hanggang sa tangayin ng malalakas na alon at tuluyang malunod.

Nagsagawa naman ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at naiahon ang katawan ng mga biktima.

Gayunman, idinek­lara nang kapwa dead-on-arrival ang magkapatid sa Donsol District Hospital.

DAGAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with