^

Probinsiya

Mag-amang NPA nalambat sa Masbate

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MILAGROS, Masbate, Philippines — Nahulog sa kamay ng batas ang isang mag-ama na parehong kasapi ng New Peoples Army at wanted dahil sa mga kaso nang pagpatay matapos na maaresto sa ginawang manhunt drive operation ng mga pulis at sundalo sa Sitio Asid-asid, Brgy. Jamorawon ng bayang ito kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang mga sus­pek na si Manolito “Ka Moling” Apalit, 56-anyos, residente ng Sitio Asi­d-a­sid, Brgy. Jamorawon, Milagros at Argie Apalit alyas “Ka Adjie”, 33-an­yos, kapwa residente ng Brgy. Batuan, Masbate City, Masbate at kasapi ng Larangan 1 at Lara­ngan 2, Komite Probinsya 4 ng NPA-Bicol Regional Party Committee.

Sa ulat, bitbit ang warrant of arrest na inilabas ng korte sa kasong multiple murder at multiple frustrated murder ay magkatuwang na sina­lakay ng mga tauhan ng Masbate 1st Provincial Mobile Force Company, Police Provincial Intelligence Unit, Regional Mobile Force Batallion 5, Milagros Police at 96th Military Intelligence Company ang bahay ng mga suspek.

Habang isinisilbi ang warrant of arrest laban sa nakatatandang Apalit ay mabilis na nakalabas ng bahay at nagtago sa damuhan ang anak niyang si Adjie pero agad namang naaresto ng mga operatiba.

Nakuha sa mag-amang rebelde ang isang itim na bag na may lamang dalawang bomba o improvised explosive device, isang kalibre 45 at mga bala.

NPA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with