^

Probinsiya

18-anyos drug trafficker tiklo sa P10 milyong shabu sa Cebu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa P10 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang pinaghihinalaang notoryus na drug trafficker sa isinagawang buy-bust operation sa Mandaue City, Cebu nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ang nasakoteng suspek na si John Alex Villaranza, 18 taong gulang, naninirahan sa Brgy. Caritas, Cebu City.

Ang operasyon ay inilunsad ng mga awtoridad laban kay Villaranza matapos magpositibo ang isinagawang surveillance operation hinggil sa talamak nitong pagtutulak ng droga.

Nakumpiska mula sa suspek ang 1.5 kilo ng shabu at mga drug paraphernalias sa isinagawang buy bust operation laban dito.

Samantala, nang kapkapan ng mga operatiba si Villaranza ay nakuha pa backpack nito ang iba pang plastic na naglalaman ng shabu na umaabot lahat sa halagag P10,200,000.

Inaalam pa ng pulisya kung sino a sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

SHABU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with