^

Probinsiya

3 terorista sumuko sa Maguindanao

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umani ng tagumpay ang kampanya ng pamahalaan para sa kapaya­paan matapos na sumuko sa tropa ng militar ang tatlong miyembro ng lokal na mga teroristang grupo sa Datu Piang, Maguindanao nitong Biyernes.

Sa report ni Major Gen.Roy Galido, Commander ng 6th Infantry Division (ID) ng Philippine Army at Joint Task Force (JTF) Central, kinilala ang mga sumuko na sina alyas “Amin”, 43, logistic and finance officer/supporter ng Daulah Islamiyah (DI) terrorist group; alyas “Torren”, 32, miyembro ng Dawla Islamiyah terrorist group at alyas “Ma­ngandili”, 33, miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Karialan faction.

Isinuko rin ng tatlo ang kanilang mga armas na pawang M14 rifle na kargado ng mga bala.

Inihayag ni Galido na ang tatlong lokal na tero­rista ay nagdesisyong magbalikloob sa pamahalaan kaugnay ng patuloy na mekanismong pangkayapaan na isinasagawa ng Army’s 6th Infantry Battalion (IB) sa pamumuno ni Lt. Col. Michael Glenn Manansala.

Sa tala ng JTF Central, simula nitong Enero ng taong ito ay nasa 10 DI terrorists na ang nagbabalikloob sa batas habang nasa 146 namang BIFF ang sumuko rin sa batas.

Kaugnay nito pinapurihan naman ni AFP-Western Mindanao Command Chief Lt.Gen. Alfredo del Rosario Jr., ang tropa ng JTF Central sa tagumpay ng kasundaluhan sa opensiba laban sa mga lokal na teroristang grupo.

vuukle comment

TERRORISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with