^

Probinsiya

Truck vs trike: 17-anyos dedo, 4 sugatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Truck vs trike: 17-anyos dedo, 4 sugatan
Dead-on-the-spot ang binatilyo na nakilalang si Marlon Acqueen, helper sa isang construction site habang inoobserbahan sa magkakahiwalay na pagamutan ang mga biktima na sina Edzel Canatuan, 23-anyos, driver; Antoinette Asim, 23, helper; Jefferson Vilog, 23, isa ring helper at pawang residente ng Kawit, Cavite.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Patay ang isang 17-anyos na ­helper habang apat pa ang sugatan matapos magsalpukan ang isang 6-wheeler truck at tricycle sa kahabaan ng Tirona Highway sa Brgy. Dulong Bayan, Bacoor City kahapon ng ma­daling araw.

Dead-on-the-spot ang binatilyo na nakilalang si Marlon Acqueen, helper sa isang construction site habang inoobserbahan sa magkakahiwalay na pagamutan ang mga biktima na sina Edzel Canatuan, 23-anyos, driver; Antoinette Asim, 23, helper; Jefferson Vilog, 23, isa ring helper at pawang residente ng Kawit, Cavite.

Sugatan din ang driver ng 6-wheeler truck na si Thomas Padreque, 38-anyos, na kasalukuyang naka-hospital arrest.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Kelvin Kenneth Casaman, may hawak ng kaso, alas-3 ng mada­ling araw nang maganap ang aksidente sa Tirona Highway, Brgy. Dulong Bayan, Bacoor City.

Sakay umano ang apat na biktima ng Motorstar Kamao 150 at bumabagtas sa nasabing lugar nang bigla silang salpukin ng kasalubong na Mitsubishi 6-wheeler truck na minamaneho ni Padreque at patungong Aguinaldo Highway.

Dahil sa kapwa mabilis ang takbo ng dalawang sasakyan, hindi na nagkaiwasan sanhi ng salpukan.

Tumalsik pa ang tricycle lulan ang apat na biktima at makailang beses na nagpagulong-gulong sa espaltadong kalsada.

Wasak na wasak ang tricycle habang naipit ang 17-anyos at napuruhan sa ulo na siya nitong agarang ikinamatay.

TRICYCLE

TRUCK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with