^

Probinsiya

Rapist na ama, 4 pang wanted nadakma

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Rapist na ama, 4 pang wanted nadakma
Ang naarestong akusado na humalay ng anak ay nakilala lang sa alyas Ronie, 35, nakatala na top 1 most wanted person-city level at residente sa Barangay Patul, Santiago City, ­Isabela.
STAR/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Limang wanted person kabilang ang isang ama na gumahasa sa sari­ling anak ang nalamabat ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na operasyon sa Isabela, Cagayan at Nueva Vizcaya kamakalawa.

Ang naarestong akusado na humalay ng anak ay nakilala lang sa alyas Ronie, 35, nakatala na top 1 most wanted person-city level at residente sa Barangay Patul, Santiago City, ­Isabela.

Nadakip si Ronie sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni ­Presiding Judge Nicasio Bautista III ng RTC Second Judicial Region Branch 21 Santiago City sa kasong “qualified rape” at “special protection of children against child abuse, exploitation and discrimination act”.

Samantala, naaresto ng mga awtoridad sina alyas “Noli”, 20, ng Brgy. Balzain West, Tuguegarao City sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022, at negosyanteng si alyas “Totto”, 41,  ng Gonzaga Street, Centro 10, Tuguegarao City dahil naman sa kasong estafa.

Nauna rito, nahulog sa kamay ng Aparri Police si alyas “Johny”, 19, ng Brgy. Bukig, Aparri, Cagayan na tinaguriang top 5 most wanted person sa buong Cagayan Valley dahil sa kasong murder.

Sa Nueva VIzcaya, dinakip din ng Criminal Investigation and Detection Group si Amador Pabillion, 54, ng Brgy. Nalubbunan, ­Quezon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Gregorio Agapito Nuestro ng MCTC, Villaverde-Quezon, Nueva Vizcaya sa kasong “reckless imprudence resulting in homicide and damage to property”.

RAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with