^

Probinsiya

Occidental Mindoro isinailalim sa state of calamity

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Occidental Mindoro isinailalim sa state of calamity
Ayon kay Dr. Teresita Tan, provincial health officer, inaprubahan kahapon ng Sangguniang Panlalawigan ang rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na ilagay sa state of calamity ang kabuuang 11 bayan ng Occidental Mindoro dahil sa dengue outbreak.
Pixabay

Dahil sa dengue outbreak

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isinailalim sa state of calamity ang buong lalawigan ng Occidental Mindoro dahil sa pagtaas ng mga kaso ng dengue na ikinasawi ng 9 katao.

Ayon kay Dr. Teresita Tan, provincial health officer, inaprubahan kahapon ng Sangguniang Panlalawigan ang rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na ilagay sa state of calamity ang kabuuang 11 bayan ng Occidental Mindoro dahil sa dengue outbreak.

Ito ay matapos makapagtala ang lalawigan ng kabuuang 1,810 dengue patients at 9 casualties.

Nabatid na nitong nakalipas na dalawang linggo, nauna nang nagdeklara ng state of calamity ang mga bayan ng San Jose at Sablayan dahil sa pagtaas ng kanilang dengue cases.

Ang calamity fund ng buong lalawigan ay gagamitin para makabili ng mga dengue kits at iba pang makinarya na panlaban sa mga lamok na nagiging sanhi ng dengue.

Nasa 60 porsyento ng mga pasyente ay nakaratay sa iba’t ibang ospital sa lalawigan.

DENGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with