^

Probinsiya

5 patay sa sagupaan ng 2 MILF commander

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang lima katao na kinabibilangan ng isang sibilyan at apat na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) nang magsagupa ang dalawang kilabot na lider na matagal nang magkaaway kahapon ng madaling araw sa Pikit, Cotabato.

Kinilala ang nasawing sibilyan na si Lito Catulong Quinones, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng apat na kasapi ng MILF.

Ayon sa ulat ng pulisya, tatlo pang katao ang nasugatan sa bakbakan na naganap sa Sitio Galigayanin Barangay Macabual, Pikit, Cotabato matapos magpanagpo ang dalawang grupo nina Kumander Bugdad Matalam Akas at Kumander Ustadz Walid Mamasamlang.

Natigil lamang ang putukan nang dumating ang mga matataas na lider ng MILF, militar, pulisya at LGU-Pikit na pumagitna sa karahasan.

Inilikas naman ang mga residente sa evacuation center para maiwasan na madamay sa sagupaan.

Ayon sa pulisya, nag-ugat ang engkuwentro dahil sa “rido” makaraang mapaslang si Brgy. Chairman Jalandoni Matalam Akas noong nakalipas na buwan kaya gumanti naman ang kanyang mga kamag-anak.

MILF

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with