^

Probinsiya

Drug den sa Tarlac ni-raid, 6 arestado

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang anim na hinihinalang tulak ng droga matapos salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Tarlac Provincial Police Office ang isang hinihinalang drug den kamakalawa ng gabi sa Camiling, Tarlac.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga dinakip na sina Ian Tiamzon, 32;  Dextie Dizon, 43; Arnel Elenzano, 35, kapwa ng Barangay Poblacion, Camiling, Tarlac; Ricarte Prudencio, 30, ng Brgy. Bangkay, Ca­miling, Tarlac; Kacy Chris Gorospe, 31, ng Brgy. San Isidro, Camiling, Tarlac; at Jeffrey Pascual, 36, ng Brgy. San Miguel, Tarlac City.

Base sa ulat, ikinasa ng PDEA at PNP ang buy-bust operation matapos makumpirma ang impormasyon na may drug den sa Barangay Poblacion ng nasabing bayan.

Isang ahente ng PDEA ang nagsilbing poseur buyer at nang magkaabutan ng droga at buy-bust money ay agad na dinakma ang mga suspek na nasa loob ng drug den.

Nakumpiska sa anim ang pitong transparent sachet na naglalaman ng 20 gramo ng shabu na may halagang P136,000, samu’t saring drug paraphernalia at buy-bust money.

DRUG DEN

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with