^

Probinsiya

Tserman inutas ng tandem

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Tserman inutas ng tandem
Kinilala ng Piat-PNP ang nasawing biktima na si Robert Cauilan de Ocampo, 50,chairman ng Barangay Anurturu, Rizal.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa kahabaan ng kalsada sa nasasakupan ng Barangay Gumarueng, Piat sa lalawigang ito kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ng Piat-PNP ang nasawing biktima na si Robert Cauilan de Ocampo, 50,chairman ng Barangay Anurturu, Rizal.

Ayon sa ulat na nakarating sa Cagayan Police Provincial Office (CPPO), alas-3:00 ng hapon minamaneho ni  Cauilan ang Isuzu elf (RDK 683) kasama ang misis nang bigla silang pagbabarilin ng mga suspek, sakay ng kulay silver gray-NMAX na motorsiklo na walang plaka sa kahabaan ng provincial road sakop ng Barangay Gumarueng.

Agad isinugod ng mga rumespondeng kagawad ng pulisya ang sugatang biktima sa Tuao District Hospital subalit, idineklara itong dead-on-arrival dahil sa natamong tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nagtamo naman ng galos ang misis ng biktima matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang elf sa poste bago sumadsad sa gitna ng palayan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa pagpatay at kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with