^

Probinsiya

Mister pinabulagta sa harap ng misis

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mister pinabulagta sa harap ng misis
Dead-on-the-spot dahil sa tama ng bala  sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Vicente Ba­lasabas Borres,residente ng naturang lugar.
STAR/ File

BALUD, Masbate, Philippines — Bulagta ang isang 50-anyos na mister matapos pagbabarilin sa tabi mismo ng kanyang misis sa Brgy.Danao,Balud ng lalawigang ito kamaka­lawa ng tanghali.

Dead-on-the-spot dahil sa tama ng bala  sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Vicente Ba­lasabas Borres,residente ng naturang lugar.

Sa ulat, alas-12:30 ng tanghali habang magkatabing nakaupo ang biktima at asawang si Estela sa harap ng isang tindahan sa tabi ng kalsada nang biglang dumating ang tatlong hindi nakilalang suspek na lulan ng dalawang motorsiklo.

Sa hindi malamang dahilan ay walang kaabug-abog na pinagbabaril ang biktima na agaran nitong ikinasawi.

Mabilis na nakatakas ang mga suspek bago pa dumating ang mga rumespondeng pulis at nakuha sa lugar ang siyam na basyo ng bala ng Kalibre 45 at dalawang basyo mula sa bala ng Kalibre 9mm na barill.                                                                                                                                 

BULAGTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with