^

Probinsiya

Indian national, utas sa ambush

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Indian national ang nasawi nang tambangan at pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa Rodriguez, Rizal, ­kamakalawa.

Dead on the spot ang biktimang si Gursewak Singh bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Tumakas naman ang suspek matapos ang krimen.

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, alas-8:30 ng umaga nang maganap ang krimen sa Block 26, Phase 1A, Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Nauna rito, sakay ang biktima ng kanyang kulay asul na Honda Beat motorcycle na may plakang 205 DKJ, nang biglang sumulpot ang suspek at kaagad siyang pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago mabilis na tumakas.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkaka­kilanlan ng suspek, gayundin ang motibo sa pagpatay.

GURSEWAK SINGH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with