^

Probinsiya

Mag-asawa, 1 pa utas sa Maguindanao ambush

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa, 1 pa utas sa Maguindanao ambush
Pinagkaguluhan ng mga tao ang mag-asawang sakay ng truck na sina Salik at Guiara Solaiman matapos tambangan at tadtarin ng bala ng mga ‘di kilalang suspek habang bumabagtas sa Datu Salibo, Maguindanao kamakalawa.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Nabulabog ang mga residente nang pagbabarilin ng tanghaling tapat ang mag-asawa habang na­damay ang isa pa matapos tamaan ng stray bullet sanhi ng kanilang pagkasawi sa bayan ng Datu Salibo sa Maguindanao nitong Martes.

Sa inisyal na ulat ng Maguindanao Provincial Police Office, kinilala ang mga pinatay na sina Salik Solaiman, 47, at kanyang 42-anyos na misis na si Guiara, pawang taga-Datu Unsay, Maguindanao.

Ang mag-asawang Solaiman ay dead-on-the-spot dahil sa dami ng tama ng bala na tinamo sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Ang 39-anyos namang si Narex Bangkaling ay namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital matapos tamaan ng ligaw na bala sa ulo sa kasagsagan ng pamamaril sa mag-asawa na target ng mga ‘di kilalang suspek.

Nabatid na magkasama ang mag-asawang Solaiman na sakay ng kanilang light truck nang paulanan ng bala ng mga suspek pagsapit nila sa highway ng Barangay Sambolawan sa Datu Salibo.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang mga salarin at sa motibo sa pagpatay sa mga biktima.

STRAY BULLET

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with