^

Probinsiya

Lineman tepok sa ­kuryente, 5 pa nasaktan

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Lineman tepok sa ­kuryente, 5 pa nasaktan
Nakahandusay at wala nang buhay ang electrician na si Nicolai Rivera matapos makuryente habang naglalagay ng poste at ilaw sa Brgy. Sampaga, Batangas City kamakalawa.
Arnell Ozaeta

BATANGAS, Philippines — Patay ang 32-anyos na lineman samantalang sugatan naman ang 5 kasamahan nito matapos makuryente habang nagkakabit ng streetlight sa Batangas City nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Nicolai Rivera, electrician, native ng Laguna at residente ng Brgy Tulo, Batangas City.

Nagpapagamot naman sa Jesus of Nazareth Hospital sina Arjay Zulueta, Dineto Sodario, ­Claudilito Tolentino, Sonyboy Perpetua at Ricardo Mañalac dahil sa mga tinamong paso sa kanilang katawan.

Ayon sa report, nagkakabit ng poste ng ilaw ang mga biktima sa gilid ng kalsada sa may Barangay Sampaga nang aksidenteng madikit sa live wire ang metal pole na hawak ng crane na naging sanhi ng pagkakuryente ng mga biktima bandang alas 2:17 ng hapon.

Dead-on-the-spot si Rivera at mabilis namang naisugod ang lima nitong kasamahan sa ospital.

LINEMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with