^

Probinsiya

Iskul pinasok ng armado: 4 guro pinahubad, minolestya

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

OCAMPO, Camarines Sur, Philippines — Sobrang galit at habag ang nararamdaman ngayon ng kanilang mga pamilya, kamag-anak, mga estudyante at magulang sa sinapit ng apat na elementary school teachers matapos silang pasukin sa loob ng kanilang classroom at molestyahin ng nag-iisang naka-bonnet na lalaki na armado ng baril kamakalawa ng tanghali ng bayang ito.

Hindi na pinangalanan ang mga guro pati ang kanilang mga address para sa kanilang seguridad habang may itinuturing nang “person of interest” ang Ocampo Municipal Police sa posibleng may kagagawan ng pag-atake sa mga walangkalaban-laban na mga babaeng guro.

Sa ulat ng pulisya, pasado alas-12 ng tanghali habang nasa isang classroom ang mga guro at nagpapahinga sa ginagawang enrollment nang biglang pumasok ang hindi nakilalang suspek na nakasuot ng bonnet at armado ng hindi malamang kalibre ng baril.

Tinutukan ng baril ang mga guro at dinala ng suspek sa CR o palikuran at doon sapilitang pinahubad nito ang kanilang mga damit.

Kasunsod nito ay isinagawa na umano ang pang-aabuso sa mga biktima. Tumanggi nang idetalye ng mga awtoridad ang ginawang pangmomolestya sa mga takot na takot na guro na walang mahingian ng tulong ng mga oras na ‘yon.

Wala pang paha­yag na ipinapalabas ang Department of Education (DepEd) sa masamang sinapit ng mga guro habang patuloy sa imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

RAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with