^

Probinsiya

Parak kinuyog sa basketball, 3 arestado

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang tatlo sa limang lalaki na sinasabing kumuyog at nambugbog sa isang pulis nang magkapikunan habang naglalaro ng basketball kahapon ng madaling araw sa Sto. Tomas, Batangas.

Kinilala ang tatlong suspek na sina Francis Manarin, 29; Girish Llanto, 24, at Bryan Lopez, 23, habang pinaghahanap pa ang dalawang iba pa na sina Robert Ontoy at Carlos Jude Plazo, pawang residente ng Barangay San Roque ng nasabing bayan.

Inoobserabahan naman sa pagamutan bunsod ng mga tinamong pasa at bugbog sa mukha at katawan ang lupaypay na biktimang si Police Staff Sgt. Harliee Sayseng, 30, nakatalaga sa Headquarters Support Group ng Office of the Chief Directorial Staff (OTCDS) at residente ng 163 Brgy. San Roque, Sto. Tomas City, Batangas.

Sa ulat na ipinadala ng Sto. Tomas Police sa PNP Headquarters sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw sa basketball court ng Barangay San Roque.

Lumalabas na nagkainitan sina Sayseng at Manarin habang naglalaro ng basketball dahilan upang suntukin ng huli ang nasabing pulis sa mukha.

Imbes na umawat, pinagtulungan pang gulpihin ng ibang kasamahan ni Manarin ang pulis na nagtamo ng magkabilang blackeye at bugbog sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naunang isinugod ang biktima sa Laurel District Hospital subalit kalaunan ay inilipat sa St. Carbin Hospital dahil sa tindi ng bugbog na sinapit sa mga suspek.

Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kaso laban sa mga suspek habang patuloy ang paghahanap sa dalawang nakatakas.

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with