^

Probinsiya

Jeep hulog sa bangin: 3 patay, 28 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Jeep hulog sa bangin: 3 patay, 28 sugatan
Kinilala ang mga nasawi na sina Maycel Cortez Roson, 16-anyos; Margarita Cavitana Zoilo, 61, at Ester Bonita Bustinera, na sa hustong gulang, pawang residente ng Brgy. Caranday sa Baao, Camarines Sur.
STAR/File

Habang ­papunta sa kasalan  

BAAO, Camarines Sur, Philippines – Tatlo ang patay habang 28 pang kamag-anak ang sugatan kabilang ang anim na menor-de-edad matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinaksayang jeepney na minamaneho ng isang konsehal ng bayan habang papuntang kasalan sa Brgy. San Vicente ng bayang ito kahapon ng tanghali.

Kinilala ang mga nasawi na sina Maycel Cortez Roson, 16-anyos; Margarita Cavitana Zoilo, 61, at Ester Bonita Bustinera, na sa hustong gulang, pawang residente ng Brgy. Caranday sa Baao, Camarines Sur.

Sugatan naman sina Vicky Bustinera Mago, 41; Antonio Yan Castillo, 48; Melona Apenado Castillo, 48; Judy Castillo Bustinera, 35; Nelly Jane Zoilo Bustinera, 17; Tessa Lonica Cadag Castillo,13; John Paul Apenado Castillo, 9; Jessa Mae Malate Ordinario,16; Juan Ramos Teñoso, 52; Sarah Teñoso Salcedo, 47; Ladita Cabiling Almeda, 55; Lorenzo Ilo Salcedo, 52; Rosemaria Besinio Bustinera, 52; Florence Adapdante Ordinario, 26; Marian Adapdante Ordinario, 8; Leonardo Bufete Cavitana, 51; Monith Bacsain Andaya, 22; Victor Berza Zoilo, 52; Jennifer Domondon Acero, 38; Maryjane Zoilo Bustinera, 39; Melanie Servino Cabiling, 46; Danilo Cabiling Cron, 50; Jenine Acero Cron, 7; Marlon Cavitana Zoilo, 30; Imelda Zoilo Malazarte, 64; Marilyn Cortez Rozon, 48; Nicolas Zoilo Velasco, 63, at ang driver ng pribadong jeepney na si Benjamin Boaquiña Blanqueza, incumbent municipal councilor ng Baao.

Ayon sa pulisya, ang lahat ng mga biktima ay magkakamag-anak at residente ng Brgy. Caranday at Sta.Teresa sa Baao, Camarines Sur.

Magkakahiwalay na isinugod ng mga ambulansya ang mga sugatan sa Tanchuling Hospital at Doña Maria Josefa Hospital sa lungsod ng Iriga.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali mula sa Brgy. Caranday binabagtas ng jeepney ((EVF-554) na minamaneho ni Konsehal Blanqueza ang kahabaan ng provincial road patungong Poblacion-Baao para umano dumalo sa kasalan ang grupo nang mawalan ng kontrol sa manibela at tuluy-tuloy na nahulog sa malalim na bangin sa tabi ng kalsada sa panulukan ng Brgy. Caranday at Brgy. Antipolo.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Baao Police sa aksidente at isa sa tini­tingnang sanhi nito ay “overloaded” ang jeep.

MAYCEL CORTEZ ROSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with